Palad niya ngayong nagpapahid—marahan maingat
Sa pagdampi (magkahalong diri at kalinga)—sa puwit
Ng kaniyang amang baldado’y iyon ding palad niya
Na kanina lamang sa pakikipagtalo sa bunsong kapatid
Kung sino na sa kanila ang takdang maglinis sa ama
Ay iglap na naikuyom nang mariin at buong pusok
Na naiamba sa mukhang kayang basagin ngunit hindi
Sa kabila ng namuong muhi tuluyang naisuntok—