Poetry Issue 12:3

   Issue # 12:3 : January-June 2010

Joseph de Luna Saguid



Tainga


      Kapag may panahon ka, magbuo tayo ng kuwentong papatok sa takilya. Kuwentong magdudulot ng aliw at gimbal sa manonood. Sapagkat siya ang bida at tayo ang nasa kabilang panig ng dingding: mga doktor na pinag-aaralan ang tibok, singhot, hinga ng (mga) katawang nasasarapan o nahihirapan sa paghahanap ng kasarapan. Magsabi ka naman ng totoong nararamdaman, pakiusap ng panganay na hindi malaman ang gagawin nang biglang hindi makahinga ang ina sa loob ng fx na sinasakyan at sapagkat kahina-hinala ang katahimikan sa kapitsilid na maya’t mayang binabasag ng tinis ng huni ng tila nasa sukdulan na ng paghinga. Kung may panahon ka, kay rami pang silid, kay rami pang siwang sa ilalim ng mga pinto. Nasa loob sila at pinakikiramdaman ang ating hakbang. Iyon ang makislap na tunog ng hinahagilap na kutsilyo.