Malaon nang naghuhukay ang mga siyentista.
Maingat nilang tinitibag ang lupa at sinasala
Ang buhangin upang walang mawaglit
Na pirasong muling magbibigay-liwanag sa
nawalan
Ng laban sa pagtabon ng mahabang panahon.
Isang araw, tumama ang aparato sa matigas na
bato.
Nabunyag ang bilugang sahig na tila entablado.
Walang ano-ano, nagsalita ang isang eksperto
At winika ang isang linya mula sa dula ni
Sophocles.
Nakaumang ang kaniyang piko sa mga ginulat
Na kasamahan habang inililibot ang paningin.
Nagtawanan sila at nagpatuloy sa paghukay
Bagamat waring may natumbok na kaba sa lahat.
Naitatag nila sa ligid ang mga guho ng isang
malawak
Na larangan. Nabakas din nila ang duguang
altar.
Hindi dumulog ang diyos sa pusong huling
inialay.
At gumuho, gumuho ang naglalakihang mga bato.